Testing
Nawawala ang blog ko!!!
<-edit->
Asar! Nakakaasar talaga. Isang araw na nawala ang blog ko. Hehe. Pano ba naman kasi, nagwawala ang server nitong ebloggy. Haha! Basta. Pagdating ng new year baka lumipat na rin ako ng bahay. Hehe...suggest naman kayo kung saan maganda...except, sa blogger...bawal yun dito sa pc namin. Tnx!
<-/edit->

882cared till eternity.
Friday, December 15, 2006
Happy teacher's Day!!!
Tagal ko na namang nawala. Dami kasing mga projects eh. So anyway, dahil nga teacher's day ngayon...paguusapan natin ang mga iba't ibang klase ng mga tinatawag nating pangalawang ina.
1. Terror Teachers Ayan...overpopulated ng ganyan sa school namin nung elementary kami (which is, like, a year ago...hehe). May mga teacher na pag galit sayo o kaya pinagsasabihan ka, pinandidilatan ka rin. Kaya ikaw...nanliliit na lang sa takot. Samantalang may mga teacher naman na dinadaan sa boses. Hindi ka lang mapapahiya sa mga kaklase mo kundi sa mga estudyante ng mga kalapit classroom. At ang pinakamarami, yung mga teacher na mahilig magpatayo sa upuan o kaya mahilig magpalabas ng estudyante. Pag nagloko ka sa teacher na ganyan, tepok ka. Lahat ng dadaan sa room niyo ay makakakita sa iyong kaparusahan! Haha! Minsan lang ako nabiktima nyan...at swerte ko naman...marami kaming pinatayo sa upuan. Edi hindi ako masyadong pansin.
2. The 'best' Kadalasan, ito yung mga teachers na tamad magturo at gusto, palaging nagpapahinga. Sasabihin nila,"sige pwede kayong gumawa ng kahit ano na gusto niyo basta wag lang magiingay". Ang mga teachers na ito ay mahilig magpatawa tuwing class discussions o kaya naman magjoke tapos biglang maooff-topic na. Ito rin yung mga teacher na hindi mahilig magpagawa ng assignment at projects. The best talaga.
3. Neutral?! Eto naman ay yung...hindi masyadong 'mataray' hindi rin masyadong 'mabait'. Tama lang. Eto rin yung mga teacher na may sense yung sinasabi tuwing discussions, kumbaga nirerelate nila sa sitwasyon namin. May oras sila ng pagbibiruan at may oras rin naman seryosohan.
**Pero isa lang ang masasabi ko, ayoko lahat ng math teachers ko, except lang yung ngayon. ^-^
Happy Teachers' Day!!!

65cared till eternity.
Wednesday, December 13, 2006
I hate you!
Ouch. Ansakit pa rin ng paa ko. Kasi naman eh! Nagmamajor cleaning kasi kami dito sa house. Tapos pumuslit lang ako saglit sito sa computer...So ayun. Then may isang garbage bag sa tabi ko (gamit ang laman), biglang tumunog. Parang kumukuloskos. Naisip ko daga. Tapos palakas na ng palakas...kaya ang ginawa ko tumalon ako sa upuan tapos natapakan ko yung mga babasaging plato. Buti hindi nabasag. Tapos yung wire nung mouse tumama sa paa ko, akala ko na kung anu. Kaya ayun, nagdive ako sa lapag. Sakit nga eh. I hate you, daga! Yun pala natatamaan lang na upuan ko yung garbage bag. Pag pre-occupied nga naman.
Naghanda nga pala kami kanina para sa pagdating nung mga ESC 'people'. Sila yung nagoffer ng scholarship samin. Tapos titignan nila kung ayos naman yung grades namin tsaka igagrant. 2 araw kaming naghanda. Sa values, gumawa kami ng freedom wall...hindi pa rin dumadating yung mga taga-ESC. Sa Math, naggames kami...wala pa rin. Sa A.P, naging reporter kuno kami...pero wala pa rin. Hanggang sa uwian, hindi sila dumaan samin. Kaasar! Pero ok lng...at least, di kami naglesson sa Math. Lahat kasi nung mga panhapong subjects, kelangan maghanda...keya yun. Ahehe. Saya pa maging reporter...ahihi.

599cared till eternity.
Friday, December 08, 2006
Peyborit Almusal ko!!!
Kahit ganito ako kapayat...magana naman ako pagdating sa almusal!! Ayii...oo, paborito ko talaga ang almusal...^-^ Kaya eto...sisimulan ko sa least to greatest na favorite ko. ^-^
5. Reno (Live Spread) Hay...iisipin ko pa lang yun... naglalaway na ako...samahan mo pa ng malamig na gatas.
4. Butter and Sugar tapos itotoast. Hay...ansaraaaappp!
3. Pancit Canton HOT CHILI Kelangan talaga hot chili, okay?? Pero ayun...pag ganun yung almusal ko, tumataas ang energy ko! Ayii!
2. Sandwich Spread with Cheese
Eto, sarili kong masterpiece. Believe me, ang sarap. Parang yung cheeseburger ng Jollibee.
1. Strawberry jam with Butter The best. Promise. Ang sarap talaga. Prang matamis na medyo maalat. Ang kaso, nakakakain lang ako nun pag nasa bahay kami ng lola ko. Hehe.
Hay naku, wala na talaga akong maisip i-blog! Joke!

336cared till eternity.
Thursday, December 07, 2006
Usapang cellphone
Naku, talaga namang nakakaadik ang cellphone. (Pero kung iisipin, 17 days palang ako nagkakacellphone, tapos adik na ako agad dito.) Hay naku. Anyway, madami din akong natuklasan sa 'mundo ng cellphone'.
Cellphone blues
1. Nakakaburaot talaga kung walang signal. Para kang timang na naghahanap na kung ano, tapos pag nagkasignal, hindi ka dapat gagalaw sa pwesto mo. Nakakaasar talaga.
2. Isa pang nakakaasar ay yung pag nauubusan ka na ng batterya. Nakakaasar!!!
3. Pero ang pinakanakakaasar sa lahat, ay yung madelay ng napakatagal yung unli (or unlimited texting) mo. Hay. Ako naman, paulitulit akong nagregister sa sobrang inip kaya yung 50 kong load, naging 10 na lang. Nakakaasar naman.
Etc.
1. Ngayon ko lang nalaman ang pleasure ng pag-g-gm (or group message). Ansaya talaga. Pero ang mas masaya, ay yung nakakatanggap ka ng mga g.m na 'special mention' ka. Hehe.
2. Buti na lang hindi ko (pa) naaadopt yung mga sticky caps at yung spelling nung mga katext ko. Katulad ng:
a. theiyk keyr-take care
b. yhub-love
c. cee ahr- c.r
d. wuevxueh- love you
e. guiz- guys
f. yeiyoew- hello
At marami pang iba.
3. Ang kaso, naadopt ko yung may style sa pagttext tulad ng:
-g.m-
-g0odaftern0on!
-sa mga nde bc, txt2 te0!
-kat0rse-
Nahilig ako sa [-] dash. Hehe.
Hay...eto naman yung mga nakakaasar na katext:
1. Yung mga tinatadtad ka ng pare-parehong text. May isa akong kaklase na ganito. Kaya di ko na sya masyadong tinetext.
2. Kung hindi pare-parehong text, tinatadtad ka naman ng mga blankong text.
3. Yung mga nag-g-gm ng napakahaba. Kaya tuloy nageerror ang cellphone ko sa inyo!
^-^
So yun. Wish ko lang nabigyan ko kayo ng karagdagang impormasyon. Toink.

131cared till eternity.
Wednesday, December 06, 2006